Takipsilim Lyrics

Callalily


popularity : 7 users have visited this page.
length: 5:07


Ilang hakbang papalayo
Sa bawat singho, ako'y napapaso
Hinahanap ka na ng langit
Saan kita itatago?
*Ang buhay, 'di mahalaga
Kung ikaw hindi makakasama
Walang ibang idadalangin
O Diyos ko, 'wag kang agawin sa akin
Kislap ng ‘yong mga mata
Ang siyang nagbibigay ng kulay
Mga bulong ng hangin na nag-uugnay
Sa 'yo at sa 'king buhay
At sa 'yong paglayo
Tangay-tangay mo ang buhay ko
Sa bawat pintig ng puso ko
Aking dalangin
'wag kang agawin sa akin
Gagawin ang lahat
'wag kang agawin sa akin
Gagawin ang lahat
'wag kang agawin sa akin
Gagawin ang lahat
Gagawin ang lahat
Gagawin ang lahat
O Diyos ko, 'wag kang agawin sa akin

sponsored links