Kapag Sinabi Ko Sa Iyo Lyrics

Gary Granada


album: Track 3 in album Samut Saring
release date: 2002
popularity : 6 users have visited this page.
length: 3:48

Cover Art

Gary Granada Samut Saring cover art
sponsored links

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan

Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y di ko matitiyak
Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta
Sana'y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan

Halina't ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo
Sana'y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo


Track Listing


CD 1
  • 1 Kahit Konti
  • 2 Ang Aking Kubo
  • 3 Kapag Sinabi Ko Sa Iyo
  • 4 Kung Ikaw Ay Wala
  • 5 Bahay
  • 6 Huwag Kang Mangako Ng Kailanpaman
  • 7 Address
  • 8 Kung Ayaw Mo Na Sa Akin
  • 9 Bil'In
  • 10 Holdap
  • 11 Hanggang Kailan, Hanggang Saan
  • 12 Pag Natalo Ang Ginebra
  • 13 Salamat Musika