Parokya ni Edgar - Alumni Homecoming Lyrics

Artist: Parokya ni Edgar Lyrics
Popularity : 131 users have visited this page.
Album: Track 1 on Bigotilyo
Rate: Alumni Homecoming gets avg. rating 3.5 out of 10 based on 2 ratings. Rate the song now!!!

Napatunganga nung bigla kitang nakita
pagkalipas ng mahabang panahon.
highschool pa tayo nung una kang nakilala
at tandang tanda ko pa
noon pa may sobrang lupit mo na!
Di ko lang alam kung pano
basta biglang nagsama tayo.
di nagtagal ay napa-ibig mo na ako.

Mula umaga, hanggang uwian natin
laging magkasama tayong dalawa
parang kahapon lang nangyari sakin ang lahat
tila isang dula na medyo romantiko ang banat!
Ngunit nang mapag-usapan,
bigla na lang nagkahiyaan
mula noon hindi na tayo nagpansinan!

(Chorus)
Bakit ko ba pinabayaan,
mawala ng di inaasahan.
parang nasayang lang,
nawala na, wala nang nagawa

panay ang plano, ngunit panay ang urong.
at inabot na tayo ng dulo ng taon!
graduation natin nung biglang nag-absent ang partner ko.
tadhana nga naman!
naging magpartner tayo!
Eksakto na ang timing!
Planado na ang sasabihin!
Ngunit hanggang sa huli, wala akong nasabi!

(Chorus)

Napatunganga nung bigla kitan nakita,
pagkalipas ng mahabang panahon.
Sobrang alam ko na ang aking sasabihihin
at ako'y napailing sa ganda ng ngiti mo sakin!
at nang ikaw ay nilapitan,
bigla na lang napaligiran ng iyong mga anak
mula sa pangit mong asawa!

(Chorus2X)


If you believe the lyrics are not correct you can Submit Corrections to us

Lyrics007 gets licensed to display lyrics and pay the lyrics writers through LyricFind. The most of song titles are calibrated according to wikipedia