Asin - Gising Na Kaibigan Lyrics

Asin Asin cover art
Credits
release date: 1978-9-1
popularity : 121 users have visited this page.
genres: Rock Folk, World, & Country
styles: Folk Rock
length: 3:34
Lyrics
Nakita mo na ba ang mga bagay na dapat mong makita
Nagawa mo na ba ang mga bagay na dapat mong ginawa
Kalagan na ang tali sa paa
Imulat na ang 'yong mga mata
Kay sarap ng buhay lalo na't alam mo kung saan papunta


May mga taong bulag kahit dilat ang mata
May mga taong tinatalian sariling kamay at paa
Problema'y tinatalikdan
Salamin sa mata'y hindi makita


Kay sarap ng umaga lalo na't kung ika'y gising
Tanghali'y maligaya kung ika'y may makakain
Ang gabi ay mapayapa
Kung mahal sa buhay ay kapiling
Kay sarap ng buhay lalo na't alam mo kung saan papunta


CHORUS
Gising na kaibigan ko
Ganda ng buhay ay nasa sa 'yo
Ang oras daw ay ginto
Kinakalawang lang 'pag ginamit mo


Kailan ka pa magbabago
Kailan ka pa matututo
Ang lahat ng ilog sa dagat patungo
Buksan ang isipan at mararating mo
Kay ganda ng buhay sa mundo

Track Listing
CD 1
  • 1 Masdan Mo Ang Kapaligiran
  • 2 Mga Limot Na Bayani
  • 3 Pagbabalik
  • 4 Anak Ng Sultan
  • 5 Ang Buhay Ko
  • 6 Itanong Mo Sa Mga Bata
  • 7 Anak
  • 8 Gising Na Kaibigan
  • 9 Tuldok
  • 10 Ang Bayan Kong Sinilangan
  • 11 Sayang Ka

  • Album Information
    label: Vicor Music Corporation
    country(area): Philippines
    format: CD
    script: Latin