Langis at Tubig Lyrics - Sharon Cuneta

Sharon Cuneta Sinasamba Kita cover art
Release information
Release Date: 1994-10-14
length: 3:15
composer: George Canseco
lyricist: George Canseco

Tubig at langis, ang katayuan nati’y yan ang kawangis
Pilitin mang magsam’y may mahahapis
Ganyang-ganyan tayong dalawa
Ang panuntunan’y magkaiba
Langis at tubig, ‘di mapagsama ng tunay mang pag-ibig
Hinanakit ang s’yang laging mananaig
Mahal na mahal man kita
May mahal ka namang iba

Chorus:
Tubig at langis
Idarang man sa init, ‘di rin tatamis
Dahil ang halo’y luha’t paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis kung labis
Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa ‘ting daigdig ?
May dasal ba akong hindi N’ya narinig ?
Papel natin sa pag-ibig
Ako’y langis, ika’y tubig

Repeat Chorus:
Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa ‘ting daigdig ?
May dasal ba akong hindi N’ya narinig ?
Papel natin sa pag-ibig
Ako’y langis, ika’y tubig
Ako’y langis, ika’y tubig


Lyrics licensed by Lyricfind.com
Tracklist
Digital Media 1
  • 1 Sinasamba Kita
  • 2 Langis at Tubig
  • 3 Sana'y Maghintay Ang Walang Hanggan
  • 4 P.S. I Love You
  • 5 High School
  • 6 Friends
  • 7 Ayoko Na Sa 'Yo
  • 8 Kahit Na
  • 9 Hagkan
  • 10 Mahal Mo Pa Ba Ako
  • 11 Forgive and Forget
  • 12 Santo Niño
  • 13 To Love Again
  • 14 Dapat Ka Bang Mahalin