Who Sang Malaya Ba? Siakol

Siakol Pantasya cover art
Release information
Release Date: 1999-3-20
length: 4:53
Lyrics
Oh mahal kong bayan dahil sa iyong kagandahan
Maraming nag hangad sa'yong mananakop na dayuhan
Ang katahimikan mo ay kanilang ginulo
Ngunit may nagtanggol sa'yo mga bayaning Filipino
Nagkaisang lumaban para sa ating kalayaan
Bayaning matatapang bayani ng ating bayan
Hindi malilimutan ang kanilang kadakilaan
Ang pag ibig sa bayan humantong man sa kamatayan

Ngayong malaya na malaya ba
Malayang gumawa ng masama

Oh mahal kong bayan ito ba ang kalayaan
Kung ang sarili mong anak ay nagpapatayan
Mga asal dayuhan sa sariling bayan
Mga bagong bayani sa sariling kapakanan

Ngayong malaya na malaya ba
Malayang gumawa ng masama

Oh mahal kong bayan na ngayo'y nahihirapan
Perlas ng silanganan bakit dinumihan
Ang ating kalayaan para sa kapayapaan
At hindi ang kalayaang gumawa ng kasamaan

Tracklist
Digital Media 1
  • 1 Hindi Mo Ba Alam? (Acoustic)
  • 2 Pagmamahal
  • 3 Sumama Ka Sa Akin
  • 4 Muli Bang Makikita
  • 5 Sisa
  • 6 Pantasya
  • 7 Inday
  • 8 May Pagbabago
  • 9 Malaya Ba
  • 10 Ikaw Lamang
  • 11 Kasalukuyan
  • 12 Makabagong Panahon

  • Release information
    label: Alpha Records
    country(area): Philippines
    format: Digital Media
    barcode: 3614592457448
    script: Latin